Translations

Not a Marrying Man by Miranda Lee (Translated by Xia Virgo)



Synopsis


Si Warren Quintas, isang milyonaryo na hindi takot isugal ang lahat-- pera, sa negosyo o maging ang buhay nito para sa thrilling sports. Ngunit hindi kasali sa mga kaya nitong isugal ang puso nito. May palugit si Warren kung kailan magtatapos ang bawat relasyon na pinapasok nito.

At pakiramdam ni Amber Rosales ay malapit nang mangyari iyon sa relasyon nila ni Warren.

Ten months ago, nang alukin siya ni Warren na maging girlfriend nito ay hindi niya napaglabanan ang atraksiyon na nararamdaman niya rito. Pero ngayon ay nanganganib nang magwakas ang lahat.

Kaya habang busy si Warren sa pagsugal sa maraming bagay, busy rin si Amber na paibigin ito, baguhin ang pananaw nito tungkol sa pag-ibig…at sa relasyon.
Sana ay magtagumpay siya…






From Dirt to Diamonds by Julia James (Translated by Xia Virgo)

Synopsis

Para kay Thea, ang muling pagsulpot ni Angelo sa buhay niya habang nasa bingit ng pagpo-propose ng kasal ng politician boyfriend niya ay hindi magandang senyales. Si Angelo ang nakapagpapaalala sa kanya ng kanyang madilim na nakaraan.

Binago na niya ang sarili, ang pagkatao, at ang buhay niya.
Angelo can't forget how she used him, at hindi ito titigil sa pagsira sa kanyang buhay. Kahit gamitin pa nito ang seduction bilang sandata...






The Tycoon Who Healed Her Heart by Melissa James (Translated by Xia Virgo)

Synopsis

Nagtungo si Rachel sa Borromeo Surfing Resort upang magtago… at paghilumin ang kanyang puso. Natagpuan niya ang isang cabin sa likuran ng resort. Bilang isang sikat na personalidad na nais ng katahimikan, pinilit niya ang manager ng resort na iyon na lang ang ipagamit sa kanya. 

Pero hindi inaasahan ni Rachel na isang linggo pa lang siyang nananatili roon ay dumating na ang taong tunay na nakatira sa cabin—si Armand Borromeo na may-ari ng resort. Napagkasunduan nilang magsama na lang sa iisang cabin dahil may apat na silid naman doon. Kapalit niyon ay papayag siyang i-endorso ang bagong resort na ipinapatayo ng lalaki.

Pero sa paglipas ng mga araw na nagkakasama sila ay tuluyang nahulog ang loob nila sa isa’t isa. Sila na dalawang taong pinaglapit sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Dalawang estranghero na ang tanging alam ay ang tugunan sa gabi ang pangangailangan ng bawat isa…







No comments:

Post a Comment