Wednesday, May 13, 2015

You're The Only One by Lorry Virgo



Pakiramdam ni Sidney, nakakasakal na ang overprotection ng pamilya niya sa kanya. Habang ang mga kaedad niya kung hindi man married ay engaged na, siya ay ni hindi pa nakakaranas na magkaroon ng boyfriend.

So at the age of twenty-four, she tried to escape from that comfortable cage.

Aakalain ba niyang nakakabuntis pala ang pagtakas sa kalinga ng kanyang pamilya? Had she known that her pursuit of independence would change the course of her life, hindi na niya sana ginawa iyon.

She hardly knew Ethan. And no matter how hot he is, he is still a stranger….

My Italian Romance by Lorry Virgo



     Destiny made a decision for Audrey. Binitbit siya nito sa Venice, Italy sa halip na sa Germany kung saan niya talaga balak mag-soul searching. Doon niya natagpuan si Chester, ang kanyang childhood crush.
     Sa bilis ng pangyayari, before she even realized it, they were planning their wedding—oops, their fake wedding! Citizenship lang ng binata ang kanyang kailangan.
     Pero nadiskubre niya, her foolish infatuation over him had ascended into crazy love. All of a sudden, she wanted everything to be true.
     Ang kaso, walang plano si Chester na totohanin ang lahat. How could he? He was married two times, divorced twice. Hindi na ito naniniwala sa kasal. Now, how could she make him see that she’s the right wife for him?

Love Me Like That by Lorry Virgo



Pagkatapos ng mahabang panahon pagkamatay ng kanyang huling nobyo na hindi nagkainteres si Joelle sa isang lalaki, natutunan niyang magustuhan si Liam. Imposibleng hindahil ito na yata ang pinakamabait na taong nakilala niya.
     Saka naman pumasok sa eksena ang Raine na iyon, his ex-girlfriend. In other words, ang babaeng nanakit ng damdamin nito at siyang dahilan kaya itinuon na ng binata ang oras sa pagtatrabaho sa ospital.
     Joelle did not need a competition for Liam’s attention. Least of all, a competition where she had the smallest chance of winning.... 

Beloved Stranger by Lorry Virgo



     She wanted to think, and she needed time and space to do that. Kailangan niya rin ng makakausap, preferably iyong hindi nakakakilala sa fiancĂ© niya, para hindi nito kakampihan ang lalaki.
    Noon siya nilapitan ng isang estranghero. Halatang sinsero ang concern nito sa kanyang pinagdadaanang problema na kita nito sa kanyang mukha. CJ was the best candidate for a companion dahil sensible ito at hindi siya kilala. So kinausap niya ito at hiningahan ng sama ng loob. Pinilit pa niya ito na isama siya sa bakasyon nito.
   Kamukat-mukat ni Maddie, ang lalaki pala ang estranged brother ng groom niya!